
Minsan nahihiya akong sabihin ang mga katagang ito: “Nay, Tay..Mahal ko po kayo..” pakiramdam ko cheezzy talaga.. pero isang araw nagising ako… at nakita ko ang nanay at tatay ko..nakaupo sa veranda..tila kay bilis ng panahon, mapuputi na ang kanilang buhok.. kulubot na ang kanilang balat at malabo na ang mga mata..minsan nga’y di na ako maaninag at talagang may mga oras na ndi na kami nagkakarinigan at nagkakaintindihan.. siguro nga’y iyon na ang tinatawag na pag uulyanin…dati’y kinakandong lang ako ng nanay ko sa tuwing sasakay kami sa jeep.. ganun din si tatay.. kapag nakakatulog ako sa sala binubuhat nya pa ako para dalhin sa aming silid. Nahagip ng aking mga mata ang salamin. At doon ay napatingin “Oo nga..malaki na din ang pinagbago ko.. hindi na ako ang batang pumapalahaw ng iyak sa tuwing naiiwan ni nanay at tatay. Oo nga’t iba na din ang kakulitan ko, ndi na katulad ng dati na si kuya at ate ay naaaliw sa akin.. ngunit ngayon..malaking pagbabago bakit nga ba ako mahihiyang sabihing “mahal ko po kayo..” samantalang noon, hindi mapagkit ang mga kwento ko sa mga kalaro ko, lagi akong bida.. hindi ako nahihiya”... Tumayo ako at lumapit sa dalawang matandang nagkukwentuhan..mula sa pinto ay narinig ko ang pag uusap nila..”Tay, tayong dalawa na lang…may kaniya-kaniya na silang pamilya.. hindi magtatagal iiwan na din tayo ni bunso.” –hindi ko napigil ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Dadating pala talaga ang ganung pagkakataon. Naisip ko.. “ako ay tatanda rin,” alam kong may mga oras na nasuway ko ang mga pinaguutos nila.. hindi sila nagkulang sa mga paalala..kahit ang pag kwento nila sa paraan ng pagpapalaki ng aming lolo at lola sa kanila.. Laking pasasalamat ko sa pagkakaroon ng mga magulang na katulad nila. Dapat lamang sila ay bigyang parangal. Ang pakikinig, pag unawa, ang ilang minuto na pakikipag usap sa kanila ay malaking bagay. Higit sa lahat ay ang pasalamatan sila sa pagiging mabuting magulang. Sabi nga.. “ang tanging hangad ng mga magulang ay ang kabutihan para sa kanilang mga anak” lumapit ako.. humalik at yumakap sa kanila “Nay..Tay.. Salamat po..mahal ko po kayo..” nadama ko ang init ng yakap ng pagmamahal nila. nakita ko ang mga ngiti sa kanilang mga labi..
Huwag na sana nating hintayin pa na sabihin ang mga katagang iyon sa oras na tayo’y hindi na nila maririnig. Huwag na nating ipagpabukas pa.. anuman ang narating at mararating pa natin huwag nating kalimutang lingunin ang ating mga magulang. Kung anuman tayo sa ngayon bahagi ng pag katao natin ang mga bilin at aral ni tatay at nanay. Ipanalangin natin sa Diyos ang ating mga magulang gayundin ang ating mga sarili na sa panahon na tayo ay maging magulang maging huwaran din tayo sa ating mga magiging supling.. naniniwala akong dadating din ang takip silim sa buhay ng kahit sino sa atin hindi lang natin alam kung kailan dadating..
“ano? Ika mo? Malayo sila? Ganun ba? Bata..nakita ko na tatlo ang cellphone mo.. maaari mo namang bigyan ng isang tawag o di kaya’y text..“ILOVEYOU PO nanay/tatay o mommy/daddy o mama/papa… wala kang cellphone o sige I email mo na lang o di kaya idaan mo sa liham.. sa kabila ng teknolohiya natin sa ngayon hindi pa naman kumukupas ang mga selyo at kartero..
Nais kitang pasalamatan sa oras na inilaan mo sa pagbasa ng isang pagbabahagi, marahil ikaw ay nagmamadali ngunit sa ilang saglit na pagtuon mo sa pagbabahaging ito’y naniniwala akong ikaw ay may pusong puno ng pag ibig sa kapwa, kaibigan, kapatid, magulang at sa Diyos.
Maaari ka ding mamahagi…ang buhay natin ay punong puno ng pagsubok ngunit sa kabila niyon tayo ay natututo at nahuhubog. Huwag nating sayangin ang panahon.. Kilos na.. ngayon na..
“MAHAL KITA KAIBIGAN… muli.. MARAMING SALAMAT..”
Isang pagbabahagi mula kay rea...
No comments:
Post a Comment